PNP official sunud-sunuran sa isang religious group – Wacky Leaks ni Den Macaranas

February 04, 2016 - 10:52 PM

 

den-macaranas1Natuturete na ang isang opisyal ng Philippine National Police dahil sa dami ng mga hinihinging pabor sa kanya ng mga opisyal ng isang makapangyarihang religious group.

Sinabi ng ating Cricket sa Camp Crame na wala namang magawa si Mr. General dahil malaki ang kanyang utang na loob sa grupo.

Mula sa kanyang dating pwesto, mga stars sa balikat hanggang sa kanyang juicy position sa kasalukuyan, lahat ng mga ito ay bunga ng pagiging malapit niya sa religious group.

In return ay kailangan niyang tiyakin hindi lamang ang safety ng top brass ng samahan kundi pati na rin ang maayos na posisyon ng mga miyembro ng grupo.

Kamakailan kasi ay nalagay sa alanganing sitwasyon ang ilan sa member ng relihiyon dahil sa kalokohan nilang pinag-gagawa kaya as expected to the rescue na naman si Mr. General.

Pangarap ni Mr. General ang pinaka-mataas na pwesto sa PNP kaya tinitiyaga na lang niya ang pakikisama sa makapangyarihang grupo.

Hanggang sa mga lalawigan daw na di naman sakop ni Mr. General ay umaabot ang kanyany mga instruction kaya kilalang kilalala siya bilang trouble shooter ng grupo.

Sinabi ng ating Cricket na dumating na rin sa punto na napikon na si Mr. General dahil pati ang diskarte niya sa kanyang trabaho ay gustong pakialaman ng isang lider ng religious group.

Sa puntong iyun ay gusto na sana niyang talikuran ang tinutulungang samahan pero nakontrol din niya ang sarili dahil kailangan ng isa sa kanyang kapamilya ang tulong ng naturang reliyon.

Bukod sa galing sa political family si Mr. General, kandidato rin sa isang mataas na pwesto sa pamahalaan ang isa sa kanyang kapamilya.

Ang opisyal ng PNP na umay-na- umay na sa dami ng mga pabor na hinihingi sa kanya ng isang maimpluwensiyang grupo ay si General J….as in Jeng-Jeng.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.