R. Kelly naghain ng not guilty plea sa korte

Naghain ng not guilty plea sa korte ang singer na si R R. Kelly sa kinakaharap niyang reklamong child pornography.

Ang abogado ni R. Kelly ang naghain ng plea para sa kaniya sa isinagawang arraignment sa Chicago.

Tiniyak naman ng piskalya na maghahain pa sila ng panibago pang mga reklamo na isasampa laban sa R & B singer mula sa mga panibagong complainant.

Kinumpirma din ng piskalya na mayroon silang nakumpiskang mahigit 100 electronic devices na maaring magamit na ebidensya sa kaso.

Noong nakaraang buwan ay mayroon nang 13 bilang ng kaso laban kay R-Kelly.

Kabilang sa reklamo ang childpornography, sexual exploitation of children, at conspiracy to defraud the US government.

Read more...