Bank notes sa South Korea isinailalim sa quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2020 - 06:25 PM

Isinailalim sa quarantine sa loob ng dalawang linggo ang bank notes sa South korea.

Ito ay para matiyak na hindi ito kontaminado ng COVID-19.

Ayon sa Bank of Korea (BOK), isasailaim din ang currency notes nito sa high-heat “laundering” process.

Kinulekta na rin ang lahat ng luma nang bank notes sa buong bansa at susunugin ang mga ito.

Sa ilalim ng ipinatutupad na routine process para sa mga cash sa South Korea, ang lahat ng bank notes ay paiinitan sa 150 degrees Celsius sa loob ng dalawa hanggang tatlong segundo.

Pagkatapos ng packaging ay mananatili pa ito sa init na 42 degrees.

Mayroong 196 na panibagong kaso ng COVID-19 sa South Korea kaya umabot na sa 6,284 ang naitalang kaso ng sakit sa bansa.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, south korea, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, south korea, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.