Heneral Luna, nominado sa 10th Asian Film Awards

 

Nominado para sa acting at technical awards ang historical film na “Heneral Luna” na pinagbidahan ng aktor na si John Arcilla sa 10th Asian Film Awards.

Kabilang din si Arcilla sa mga napiling nominado sa Best Actor category kasama sina Donnie Yen ng Hong Kong para sa “Ip Man 3”, Nagase Masatoshi ng Japan para sa “An”, Feng Xiaogang ng Mainland China para sa “Mr. Six”, at Lee Byung-Hun ng South Korea para sa “Inside Man”.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na naging nominado ang Pilpinas sa naturang kategorya. Noong 2013, inuwi ng batikang aktor na si Eddie Garcia ang naturang award para naman sa pelikulang “Bwakaw”.

Bagaman hindi napili ang Heneral Luna sa Best Picture category, nominado naman si Carlo Tabije para sa Best Costume Design category at si Benjamin Padero para naman sa Best Production Design category.

Ang Asian Film Awards na katuwang ang Hong Kong International Film Festival ay inilunsad noong 2007.

Read more...