PNP chief Gamboa nakalabas na ng ospital

Nakalabas na sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa.

Kinumpirma ito ni PNP spokesperson Benigno Durana.

Bago ma-discharge ay dumalo muna sa misa sa loob ng St. Luke’s Hospital si Gamboa.

Ani Durana, diretso sa PNP headquarters sa Camp Crame si Gamboa kung saan oobserbahan siya ng mga doktor ng PNP Health Service.

Sa Lunes sinabi ni Gamboa na balik-trabaho na siya sa PNP.

Read more...