Isa sa mga Pinoy sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19 nakalabas na ng ospital

Nakalabas na ng ospital ang isa sa tatlong Pinoy sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ng Philippine Consulate General sa Hong Kong.

Maayos na ang kondisyon ng Pinoy at nakabalik na ito sa bahay ng kaniyang employer.

Sa ngayon mayroon pang dalawang Filipino COVID-19 patients na nananatili sa isolation rooom ng ospital.

Inaasahan ding makalalabas na sila ng pagamutan sa lalong madaling panahon dahil hindi na nakikitaan ng sintomas.

Read more...