Cardinal Santos Medical Center kinumpirmang na-admit sa kanila ang lalaking nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ng Cardinal Santos Medical Center na na-admit sa ospital ang isang lalaking pasyente na nagpositibo sa COVID-19.
Sa inilabas na pahayag ng pagamutan, patuloy na nakikitaan ng sintomas ng sakit ang pasyente matapos itong magpositibo sa tests.
Inilipat na ito sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Sinabi ng ospital na may mga karampatang hakbang nang ginawa sa lahat ng nagkaroon ng close contact sa pasyente sa ilalim ng ipinatutupad na quarantine protocol ng Department of Health (DOH).
Sa ngayon, lahat ng nagkaroon ng contact sa pasyente ay wala namang sintomas.
Tiniyak din ng Cardinal Santos Medical Center na pangunahing concern nito ang kanilang mga pasyente at mga empleyado.
Ang lalaking pasyente ay walang history ng pagbiyahe sa mga bansang apektado ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.