Pabrika ng pekeng sigarilyo sinalakay ng mga otoridad sa Zamboanga del Sur

Sinalakay ng mga otoridad ang pabrika ng pekeng sigarilyo sa Brgy. Don Jose, Dinas sa Zamboanga del Sur.

Ginawa ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC) at Philipine National Police (PNP) ang pagsalakay sa pabrika sa Brgy. Don Jose Biyernes (March 6) ng umaga.

Libu-libong pekeng sigarilyo, tampered BIR stamps, bar codes at mga makina ang nakumpiska sa pabrika.

Ayon kay Police Col. Rhoede Espero, direktor ng Zamboanga Del Sur plice sa ginawang imbestigasyon ng BIR, kayang makagawa ng hanggang P50,000 na pakete ng sigarilyo kada araw sa pabrika.

Tinatayang P2.2 million ang nawawalang buwis sa gobyerno dahil sa mga ginagawang pekeng sigarilyo.

Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang may-ari ng pabrika.

 

Read more...