WATCH: Higit 60,000 Vote Counting Machines, pasado sa hardware assessment test
Binuksan ng Commission on Elections sa media ang kanilang warehouse kung saan nakaimbak at ipinoproseso ang mga Vote Counting Machines o VCM na gagamitin sa May 2016 elections.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, pagkalabas ng mga VCM sa Customs dadalhin na kaagad dito sa kanilang nirerentahang warehouse.
Pagdating sa warehouse isasailalim ito sa Hardware Assesstment Test upang matiyak na gumagana ang makina kung saan ipinadadaan ang balota at kapag nakapasa ay dito na rin iimbak bago isagawa ang configuration.
Ipinakita rin sa media ang prosesong pinagdadaanan ng mga VCM kabilang na ang testing nito.
Sinabi pa ni Bautista na bukas din sa mga field trip ang nasabing warehouse para sa transparency kung saan maaring makita ng mga bumibisita ang operasyon sa kanilang viewing deck.
Sa ngayon nasa 74, 456 ang mga VCM na nasa warehouse kung saan 64,382 na ang pumasa sa test habang nasa 6,000 pa ang parating galing sa Taiwan at 18,000 nananatili sa Bureau of Customs.
Nasa limang ektarya ang warehouse na pag-aari ng Jam Liner na binabayaran ng halos P69M sa loob ng isang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.