Prayer Room sa Greenhills San Juan na madalas bisitahin ng Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ipinasasailalim na sa disinfection

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2020 - 03:11 PM

Ipinag-utos ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pag-disinfect at pansamantalang pagsasara sa prayer room sa Barangay Greenhills, San Juan na palagiang pinupuntahan ng isang Pinoy na nagpositibo sa COVID-19

Sa inilabas na pahayag ng alkalde, inatasan na nito ang San Juan City Health Office para agad i-disinfect at i-sanitize ang pasilidad.

Pansamantala din muna itong ipinasasara habang ginagawa ang disinfection.

Katuwang ang DOH sinabi ni Zamora na nagsasagawa na ng contact tracing para matukoy kung sinuo-sino ang nakahalubilo ng pasyente simula noong last week ng Pebrero kung kailan siya nagsimulang magpakita ng sintomas.

Kasabay nito hinimok ni Zamora ang mga residente na maging kalmado sa kabila ng pagkakaroon ng unang positibong kaso ng COVID-19 sa San Juan.

Inabisuhan din ang mga residente na laging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, gumamit ng alcohol at maging responsable kapag uubo.

Sinumang makararanas ng respiratory illness ay agad tumawag sa sumusunod na hotline numbers:

DOH 8651-7800 loc. 1149 – 1150
San Juan City Health Office 7625-5845
City Epidemiology and Surveillance Unit 0923-6675046 / 0917-8140870

 

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, disinfection, greenhills, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, prayer room, Radyo Inquirer, san Juan, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, disinfection, greenhills, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, prayer room, Radyo Inquirer, san Juan, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.