Mga manggagawa sa Region 2 may dagdag sahod

Epektibo na sa March 16, ang dagdag sa mga manggagawa sa Cagayan Valley Region.

Sa absio ng National Wages and Productivity Commission ng DOLE, ang mga manggagawa sa non agriculture at retail / service establishments na may empleyado na higit sa sampu ay tatanggap na ng P370 na daily minimum wage.

P345 naman ang arawang sahod ng mga nasa agriculture sector.

Habang ang mga manggagawa sa non agriculture at retail / service establishments na may empleyado na sampu ay tatanggap na ng P332.25 na minimum wage simula sa March 16 para sa unang tranche at P345 simula sa July 1 para sa second tranche.

Read more...