Utos ng Kamara sa NTC hindi paggalang sa tanggapan ng pangulo
Naniniwala si suspended lawyer Larry Gadon na hindi paggalang sa tanggapan ng pangulo ang ginawang liham ni House Speaker Alan Peter Cayetano at House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez sa National Telecommunications Commission upang bigyan ng provisional authority para makapag broadcast ang ABS-CBN.
Ayon kay Gadon, hindi dapat magbigay ng utos ang Kongreso sa ahensya ng pamahalaan na nasa ilalim ng co- equal branch nito.
Sabi ni Gadon dapat igalang ng Kamara ang Saligang Batas.
Dapat anyang idinaan muna sa tanggapan ni Pangulong Duterte ang liham at ang opisina ng pangulo na ang magbibigay ng direktiba sa NTC na nasa ilalim ng pamamahala nito.
Ang sulat anya ng komite ni Alvarez sa NTC ay hindi “act” ng Congress sapagkat hindi naman ito pinagbotohan ng mga kongresita.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Gadon si Alvarez na kumunsulta muna sa abogado bago gumawa ng anumang hakbang.
Paliwang nito na ang dahilan kung bakit siya humingi ng temporary restraining order sa Supreme Court para mapigilan ang ginagawang panghihimasok ng Kamara sangay ng ehekutibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.