Pagbasura sa P267.3M forfeiture case ng pamahalaan laban sa pamilya Marcos at mga cronies pinagtibay ng Sandiganbayan

Pinagtibay ng 4th Division ng Sandiganbayan ang naunan nitong pasya na nagbabasura sa P267.3 million forfeiture case laban sa pamilya Marcos at mga cronies nito.

Base sa 8- pahinang resolusyon ng Sandiganbayan na may petsang January 23, 2020, nakasaad na ibinasura ang motion for reconsideration ng Office of the Solicitor General na tumatayong abogado ng PCGG dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.

Iginiit ng anti-graft court na hindi authenticated ang mga photocopy ng mga dokumento na isinumite ng prosekusyon.

Paglabag ayon sa korte sa “best evidence rule” ang pagsusumite ng OSG photocopy ng mga ebidensya dahil kailangan pa rin ng mga ito na isumite sa korte ang orihinal maliban na lamang kung mapatunayan na ito ay nawawala, nasira o hindi kayang iharap sa husgado.

Bukod dito, sinabi ng korte na ang iniharap na dalawang testigo ng prosekusyon ay walang personal na knowledge sa dokumento na isinumite kaya ang testimonya ng mga ito ay pawang “hearsay”.

Sa naging pasya ng Sandiganbayan noong October 14, 2019 pinagbigyan nito ang demurrer to evidence na inihain ng mag-asawang Fe at Ignacio Gimenez.

Sinasabing kinamal ng mga ito ang nasa P267.3M mula sa pamilya Marcos.

A demurrer to evidence ay inihahain ng depensa upang pasinangalingan na sapat ang ebidenya ng prosekusyon upang hatulang guilty ang nasasakdal.

Sinasabing ang mag-asawang Gimenez ay business associates ng dating pangulong Ferdinand Marcos at dating unang ginang Imelda Marcos.

Read more...