Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong buwan ng Marso

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2020 - 11:50 AM

May bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Marso.

Ayon sa Meralco, P0.0278/kwh ang magiging pagtaas sa March bill ng mga consumer.

Ito ay dahil sa P0.18/kwh na pagtaas sa generation at transmission charge.

Pero dahil mayroong utos ang Energy Regulatory Commission (ERC) na refund, nabawasan ang halaga ng itataas sa presyo ng kuryente.

Para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan P5.60 ang madaragdag sa kanilang bayarin ngayong Marso.

P8.40 naman ang dagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 300 kwh kada buwan.

P11.20 ang dagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 400 kwh kada buwan.

At P140 ang dagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 500 kwh kada buwan.

TAGS: erc, Inquirer News, March bill, Meralco, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, erc, Inquirer News, March bill, Meralco, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.