Paggamit sa ASG ng ilang pulitiko sa Sulu para sa darating na eleksyon, binabantayan ng AFP

By Ruel Perez February 04, 2016 - 07:13 PM

AFPNaghahanda na ngayon ang militar sa probinsiya ng Sulu para sa nalalapit na May 9 Elections.

Sa panayam kay Joint Task Group Sulu Commander Brigadier Gen. Alan Arrojado, mayroon na umano silang inihandang security preparation para maging maayos at mapayapa ang halalan sa probinsiya.

Paliwanag ni Arrojado, mayroon na silang initial meeting sa Commission on Elections kaugnay sa paghahanda para sa nalalapit na halalan.

Mahigpit ding tinututukan ng militar ang mga bandidong Abu Sayyaf sa probinsiya na posibleng gamitin ng mga lokal na pulitiko.

Kinukunsidera din na banta sa eleksyon ang Abu Sayyaf Group (ASG) lalo na ngayong nalalapit na ang halalan.

Pagbibigay-diin ni Arrojado na mahigpit nilang binabantayan ngayon ang bandidong grupo lalo nang nalalapit na ang pag-uumpisa ng pangangampanya.

TAGS: May 9 elections, May 9 elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.