Miyembro ng sindikato ng gunrunning arestado sa Pangasinan

Naaresto ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang isang miyembro ng sindikato na ilegal na nagbebenta ng mga baril sa Pangasinan.

Kinilala ni Police Col. Santiago Pascual, hepe ng CIDG – Regional Field Unit 1, ang suspek na si Albert Galinato.

Ayon kay Pascual ikinasa nila ang Oplan Paglalansag Omega at natunton nila sa Barangay Palina East sa Urdaneta City si Galinato.

Isinilbi ng mga operatiba ang search warrant na ipinalabas ni Judge Irma Panahon – Abad ng 1st Judicial Region – Urdaneta City, dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591.

Nakuha kay Galinato ang isang caliber 38 revolver at mga bala.

Nabanggit ni Pascual na ang suspek ay miyembro ng ‘Andrada Group’ na nagbebenta ng mga baril at droga sa 5th district ng Pangasinan.

Read more...