Hong Kong tycoon na nasa likod ng Teenage Mutant Ninja Turtle pumanaw na

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2020 - 10:09 AM

Pumanaw na sa edad na 87 ang Hong Kong tycoon na si Chan Tai-ho – founder ng Playmates toymaker na utak ng Teenage Mutant Ninja Turtle action figures.

Natagpuan si Chan na wala nang buhay sa kaniyang kwarto sa Barker Road, The Peak sa Hong Kong.

Dinala pa ito sa ospital pero idineklarang wala nang buhay.

Wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ni Chan pero sasailalim pa rin ito sa autopsy.

Dati nang napaulat na mayroong sakit ang negosyante.

Taong 1966 nang itatag ni Chan ang “Playmates” at noong 1978 nakapagbenta ito ng mga laruan sa United States.

1980s nang makamtan ng kumpanya ang pinakamalaking sales nang ilunsad nito ang Teenage Mutant Ninja Turtles figures.

TAGS: Hong Kong tycoon, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, playmate, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teenage Mutant Ninja Turtle, Hong Kong tycoon, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, playmate, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teenage Mutant Ninja Turtle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.