Palasyo, natuwa na ipagpapatuloy ng MILF ang pagsusulong ng peace process
Ikinatuwa ng Malakanyang ang commitment ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na ipagpatuloy ang pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao kahit tapos na ang Aquino administration.
Reaksyon ito ng Malakanyang sa nasabing pahayag ni MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, kahit noong pirmahan ang Framework Agreeement on the Bangsamoro o FAB noong October 2012, naipakita na ng MILF ang kapasidad nito sa pagsusulong ng kapayapaan.
Samantala, tiniyak ni Coloma na pagsusumikapan ng pamahalaan na ipatupad ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB na itinuturing nilang roadmap para sa pagresolba sa armadomg sigalot sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.