Nasawi sa COVID-19 umakyat na sa 3,385

Umakyat na sa 3,385 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang mga bansa sa mundo na apektado nito.

Sa nasabing bilang, 3,042 ang mula sa China na nakapagtala ng 30 panibagong nasawi sa nakalipas na magdamag.

Mayroon namang 343 na bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa at teritoryo.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Italy – 148 (41 new)
Iran – 108 (16 new)
South Korea – 40 (5 new)
USA – 12 (1 new)
France – 7 (3 new)
Diamond Princess – 6
Japan – 6
Spain – 3 (1 new)
Iraq – 3 (1 new)
Hong Kong – 2
Australia – 2
Switzerland – 1 new
UK – 1 new
Thailand – 1
Taiwan- 1
San Marino – 1
PH – 1

Samantala, mayroong 80,552 na kaso ng COVID-19 sa China.

Pumapangalawa naman sa pinakamaraming kaso ang South Korea na umakyat na sa 6,284 at ikatlo ang Italy na may 3,858 na kaso.

Read more...