P7.2M na halaga ng shabu nakumpiska sa dalawang suspek sa Cebu City
Aabot sa P7.2 million ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang suspek sa ilegal na droga sa Barangay Quiot, Cebu City.
Ikinasa ng mga tauhan ng Cebu City Police Office (CCPO) ang operasyon sa Sitio Nangka, Biyernes (March 6) ng madaling araw.
Ayon kay Police Major Randy Caballes, pinuno ng City Intelligence Branch (CIB), ang mga naarestong suspek ay sina Rafael Paraiso Babatuan Sr., 41 anyos at Jasper Abejo, 18, anyos.
Si Babatuan ay nasa listahan ng high-value individual (HVI) ng pulisya habang si Abejo naman ay itinuturing na street level individual (SLI).
Nakuha sa mga suspek ang 1,065 na gramo ng hinihinalang shabu sa dalawa na aabot sa P7,242,000 ang halaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.