Dalawang police generals na sakay ng bumagsak na chopper sa Laguna hindi pa rin stable – PNP

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2020 - 09:30 AM

Nananatiling hindi stable ang kondisyon ng dalawang police generals na kabilang sa sakay ng bumagsak na helicopter sa San Pedro, Laguna.

Ayon kay acting PNP spokesman Police Major General Benigno Durana Jr., hindi pa rin bumubuti ang lagay nina PNP Director for Intelligence Police Major General Mariel Magaway at Director for Comptrollership Police Major General Jose Maria Ramos.

Umaasa ang PNP na sa susunod na 48 oras ay bubuti ang kondisyon ng dalawa.

Si Magaway ay nakitaan na ng bahagyang improvement.

Si Ramos naman na na-admit sa ICU ng Unihealth Southwoods Hospital and Meical Center ay nagtamo ng traumatic brain injury, facial skull fracture, at cervical spine fracture base sa inisyal na diagnosis sa kaniya.

Kapwa maayos naman na ang kondisyon nina PNP chief Archie Gamboa at PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

TAGS: chopper crash, Inquirer News, laguna, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, police generals, Radyo Inquirer, san pedro city, Tagalog breaking news, tagalog news website, chopper crash, Inquirer News, laguna, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, police generals, Radyo Inquirer, san pedro city, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.