Dalawang unang kaso ng COVID-19 sa San Francisco, California walang travel history
Nakapagtala ng unang dalawang kaso ng COVID-19 sa San Francisco, California.
Ayon sa health officials ng San Francisco, walang travel history sa anumang bansa na apektado ng COVID-19 ang dalawang pasyente.
Ibig sabihin, mayroon nang community spread ng sakit sa San Francisco.
Ang unang pasyente ay isang lalaki na nasa edad 90 na mayroon nang naunang health conditions at ang ikalawa ay babaeng nasa edad 40 na walang ibang sakit.
Ginagamot na sa magkahiwalay na opsital ang dalawang pasyente na kapwa hindi rin nagkaroon ng contanct sa sinomang pasyenteng positibo sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.