OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 scare sa Macau darating sa bansa sa March 11

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2020 - 09:01 AM

Kumpirmado na ang pagdating sa bansa sa March 11 ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Macau na naapektuhan ng COVID-19 scare doon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, 140 na OFWs ang darating sa bansa.

Sa nasabing bilang, 100 ang undocumented at 40 lamang ang documented.

Nilinaw ni Bello na kahit undocumented ay tutulungan sila ng pamahalaan at isasakay sila sa chartered flight para makauwi sa bansa.

Ang nasabing bilang ng mga OFW sa Macau ay naapektuhan matapos na magsara ang maraming establisyimento doon bunsod ng paglaganap ng COVID-19.

Noong nakaraang buwan ay iniutos ang 15 araw na pagsasara sa lahat ng mga casino sa Macau.

Ayon kay Bello sa sandaling makabalik sa bansa ay sasailalim sa quarantine ang mga Pinoy.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, DOLE, Filipinos Abroad, Health, Inquirer News, macau, OFWs, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, DOLE, Filipinos Abroad, Health, Inquirer News, macau, OFWs, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.