Lalaking Japanese na bumiyahe sa Pilipinas at iba pang bahagi ng SE Asia nagpositibo sa COVID-19
Isang lalaking Japanese ang nag-positibo sa COVID-19 matapos bumiyahe sa ilang lugar sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas.
Sa ulat ng National Broadcasting Organization sa Japan na NHK, dumating sa bansa ang lalaki noong March 4 sa Chubu International Airport sa Vietnam.
Nasa edad 40 ang lalaki ay may history ng pagbiyahe sa Vietnam, Cambodia at Pilipinas simula noong February 16.
Pagdating niya sa airport sa Vietnam, nagpasuri na ito sa Quarantine Section ng paliparan dahil sa ubo, hirap sa paghinga at pananakit ng dibdib.
Sa ngayon ay nananatili sa quarantine section sa Vietnam ang nasabing Japanese National.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.