Dalawang NPA patay sa sagupaan sa pagitan ng Philippine Army sa Camarines Sur

bato camsurPatay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa panibagong sagupaan sa Barangay San Isidro, Bato, Camarines Sur kahapon.

Ayon kay Southern Luzon Command Spokesperson Major Angelo Guzman, mag-aala una kahapon ng magkasagupa ang tropa ng 2nd Infantry Batallion ng Philippine Army at sampung miyembro ng NPA.

Pansamantalang nagkakampo ang NPA sa bahagi ng Barangay San Isidro, Bato ng matunugan ng militar at isinagawa ang pag-atake.

Nagsilibi namang pang depensa ng NPA ang kanilang mga itinanim na Improvised Explosive Device o IED sa lugar.

Nagtagal ng 20 minuto ang sagupaan bago umalis sa kanilang mga posisyon ang mga rebelde at tumakas.

Ayon kay 2nd IB Commander Colonel Perfecto Peñaredondo, pagkatapos ng sagupaan narekober nila ang bangkay ng isa sa dalawang NPA rebels na may katabing tatlong M16 rifle habang sa pangalawang bangkay nakuha ng militar ang isa pang M16 rifle.

Sa kabuuan, apat na M16 rifles, limang combat packs, isang laptop at iba pang mahahalagang gamit ng NPA ang kanilang nakuha sa pinangyarihan ng bakbakan.

Wala namang naitalang nasawi sa panig ng tropang pamahalaan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa mga nakabakbakang rebelde.

Read more...