Water level ng Angat dam bahagyang nabawasan sa magdamag

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydro-meteorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 201.65 meters ala-6 ng umaga ng Biyernes (March 6) mas mababa sa 201.72 meters na antas nito kahapon.

Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 77.20 meters ala-6 ngayong umaga masa mababa sa 77.23 meters na antas nito kahapon.

Nanatili naman sa 100.04 meters ang antas ng tubig ng Ipo Dam.

Samantala, nadagdagan naman ang water level ng Binga dam habang nabawasan ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Read more...