Special virus measures ipatutupad ng Vatican para protektahan si Pope Francis laban sa COVID-19
Magpapatupad ng special virus measures ang Vatican upang matiyak na protektado si Pope Francis laban sa sakit ng COVID-19.
Sa pahayag ni Vatican Spokesman Matteo Bruni, sasakupin ng ipatutupad na measures ang mga aktibidad ng Santo Papa.
Kabilang sa pinag-aaralan ang pagbabago sa mga nakatakda nang schedule ng Santo Papa.
Hindi naman binanggit ng Vatican kung kabilang sa iiwasan ang pakikihalubilo sa malaking bilang ng mga tao ng 83 anyos na si Pope Francis.
Simula noong pamunuan ni Pope Francis ang tradisyunal na Sunday prayer ay hindi pa muli ito nakita sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.