Babaeng senior citizen na bumiyahe sa Pilipinas nag-positibo sa COVID-19 pagdating sa Australia

Isang babaeng senior citizen ang nagpositibo sa COVID-19 sa Australia matapos ang kaniyang pagbiyahe sa Pilipinas.

Sa website ng New South Wales Ministry of Health, sinabing galing ng Pilipinas ang babae na nasa edad 60 at bumalik sa Australia noong March 3.

Hindi naman binanggit kung gaano katagal nanatili sa Pilipinas ang naturang babae.

Kinukuha na ngayon ng health authorities sa Australia ang travel details ng pasyente para matukoy ang mga nakatabi niya sa eroplano.

Read more...