Embahada ng Pilipinas sa USA nagpalabas ng abiso sa mga Pinoy kasunod ng pagdami ng kaso ng COVID-19
Dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos naglabas ng abiso ang Philippine Embassy sa USA para sa mga Filipino doon.
Sa pahayag ng embahada, araw-araw ay nadaragdagan ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba’tibang bahagi ng US.
Tiniyak ng embahada na masusi itong nakabantay lalo na sa mga lugar na mayroong naitalang kumpirmadong kaso.
Sinabi ng embahada na nagbabala na ang US Centers for Disease Control na sa mga susunod pang araw ay maaring madagdagan pa ang bilang ng kaso.
Kaugnay nito, ipinatutupad na embahada at mga konsulada sa Amerika ang sumusunod na alituntunin:
– regular na pagre-report sa Department of Foreign Affairs (DFA)
– pakikipag-ugnayan sa mga health authority ng US at Carribean region
– pakikipag-ugnayan sa Filipino community sa US at Carribean region
– pakikipag-ugnayan sa cruise lines na may operasyon sa US at Carribean region
– pagbibigay ng update sa mga Filipino hinggil sa travel restrictions na pinaiiral sa Pilipinas
– pagpapatupad ng hakbang para maiwasan ang paglaganap ng sakit sa mga nakikipagtransaksyon sa embahada at mga tauhan nito
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.