PNP-HPG pabibigyan ng grado sa kanilang performance sa EDSA

By Ruel Perez February 04, 2016 - 04:41 PM

php-hpg1Magsasagawa ng performance audit ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa susunod na linggo.

Ayon kay PNP-HPG Spokesperson Supt. Elizabeth Velasquez, kakaiba ang gagawin nilang performance audit sapagkat ang bibigyang grado ay ang hindi ang indibidwal na mga miyembro ng HPG kundi ang mismong ang HPG.

Ani Velasquez, magbibigay ng grado ang mga pasahero ng bus na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA. Sa nabanggit na audit, magiging bus-to-bus ang kanilang paghingi ng pulso sa mga mananakay ng bus.

Sa ganitong paraan maaari nilang matukoy kung kuntento ba o hindi ang publiko sa kanilang ginagawa upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Sa nasabing pagkakataon din ani Velasquez ay posibleng makakuha sila ng suhestiyon mula sa mga mananakay kung may mga nais silang irekomenda na pagbabago para masolusyonan ang problema sa traffic.

TAGS: pnp-hpg, pnp-hpg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.