Dalawang suspek sa ilegal na droga patay sa engkwentro sa QC

Patay ang dalawang suspek sa ilegal na droga sa operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa Novaliches Police, nauwi sa engkwentro ang ikinasang nilang buy-bust operation matapos na makatunog ang mga suspek.

Kinilala ang mga nasawing suspek sina Allan Canlas at Asnawi Batuas.

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga otoridad kung saan isang pulis ang nagpanggap na bibili ng ilegal na droga sa mga suspek.

Gayunman, napansin ng dalawa na pulis ang kanilang katransaksyon dahilan para bumunot sila ng baril. Naunahan naman sila ng mga pulis kaya agad silang nasawi.

Aabot sa 200 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha sa mga suspek na tinatayang aabot sa P1.2 million ang halaga.

Maliban sa mga hinihinalang shabu ay nakuha din ang dalawang baril na ginamit ng mga suspek.

Read more...