Lalaking bumiyahe sa Pilipinas nagpositibo sa COVID-19 pagdating ng Taiwan
Isang lalaking bumiyahe sa Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating nito ng Taiwan.
Ayon sa Taiwan Centers for Disease Control ang lalaki ay bumiyahe sa Pilipinas kasama ang kaniyang mga kaibigan mula February 28 hanggang March 3, 2020.
Ang lalaki na ang edad ay mahigit 30 ay nakaranas ng diarrhea habang nasa Pilipinas noong March 2.
Nang bumalik sa Taiwan noong March 3, nagpasuri ito sa duktor dahil sa nararanasang dry throat.
March 5 nang makumpirmang siya ay positibo sa COVID-19 base sa laboratory tests.
Ayon sa Taiwan Centers for Disease Control base sa travel history ng lalaki ay maaring dito sa Pilipinas niya nakuha ang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.