Giporlos, Eastern Samar niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Giporlos, Eastern Samar Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 23 kilometers Southeast ng Giporlos dakong 7:50 ng gabi.

14 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang nasira sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...