PNP chief Gamboa, nagpasalamat sa panalangin para sa kanya
Nagparating ng pasasalamat si Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa sa lahat ng nag-alay ng panalangin para sa kaniyang mabilis na paggaling.
Ito ay makaraang bumagsak ang sinasakyang chopper ni Gamboa kasama ang pitong iba pa sa San Pedro, Laguna.
Sa Twitter, humirit si Gamboa sa publiko na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa patuloy na paggaling ng iba pa niyang kasamahang opisyal at crew.
“Thank you all for your thoughts and prayers. Pls continue to pray for full recovery of my co-passengers and crew,” pahayag ni Gamboa.
Stable na ang kondisyon ni Gamboa na naka-confine pa sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.