Special probe team, binuo para imbestigahan ang chopper crash

Binuo ng Philippine National Police (PNP) ang Special Investigating Task Group para imbestigahan ang pagbagsak ng kanilang helicopter sa San Pedro City, Laguna.

Nabatid na ang SITG Bell 429 ay pamumunuan ni Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Magiging deputy naman niya si Police Brig. Gen. Glen Dongbo, ang director ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management.

Itinalaga naman si Police Maj. Gen. Benigno Durana Jr., ang director ng PNP Directorate for Police Community Relations bilang opisyal na tagapgsalita ng SITG.

Maging miyembro naman ng special probe team ang mga opisyal ng Directorate for Intelligence, Special Action Force, Aviation Security Group, CIDG at Police Regional Office 4-A.

Read more...