Gadon, nagpetisyon sa SC na pigilan ang Kamara sa pag-utos sa NTC na mag-isyu ng permit sa ABS-CBN
Naghain ng petisyon si Atty. Larry Gadon sa Supreme Court (SC) ukol sa pag-iisyu ng permit sa ABS-CBN.
Sa 20-pahinang petition for prohibition, hinikayat ni Gadon ang SC na pigilan ang Kamara sa pag-utos sa National Telecommunications Commission (NTC) na huwag ipatupad ang notice letter para sa extension ng permit ng TV network.
Layon sana ng notice letter na mapayagan ang ABS-CBN Corporation na makapag-operate kahit mapaso ang prangkisa sa May 4.
Ani Gadon, paglabag ito sa Konstitusyon.
Iginiit pa nito na mayroong “separation of powers” sa tatlong sangay ng gobyerno.
Sinabi pa ng abogado na dapat manggaling sa Kongreso ang prangkisa para sa TV network at hindi sa NTC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.