DFA kumpiyansa na makakamit ng Comelec ang target na 2 milyong registered voter para sa May 2022 Elections

By Ricky Brozas March 05, 2020 - 04:03 PM

Kumpiyansa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maaabot ng Commission on Elections (Comelec) ang target na dalawang milyong registered voter para sa May 2022 National and Local Elections.

Ito ang inihayag ni DFA Undersecretary Brigido Dulay sa gitna na rin ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) kung saan marami ang natatakot maglalabas ng bahay lalo na sa mga bansang may mataas na kaso ng virus.

Giit ni Dulay, maraming Filipino sa abroad ang nais na makaboto sa halalan kaya tiyak na marami ang magpaparehistro.

Sa ngayon, mayroon na umanong 1.3 milyong overseas voters ang nakarehistro sa Comelec.

Sinabi pa nito na maliban sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa ibang bansa, nagsasagawa rin sila ng mga outreach program sa mga botante na malayo sa embahada ang tirahan.

Kung sa China naman aniya ay wala naman sa Wuhan ang embahada ng Pilipinas kaya wala ring problema.

Ang mga Filipino na nasa Wuhan ay maaari naman aniyang magparehistro sa oras na matapos na ang banta ng COVID-19.

Sa ngayon ay naka-lockdown ang Wuhan kung saan nagsimula ang COVID-19 para maiwasan ang pagkalat pa ng virus.

TAGS: comelec, COVID-19, DFA, May 2022 Elections, Usec. Brigido Dulay sa, comelec, COVID-19, DFA, May 2022 Elections, Usec. Brigido Dulay sa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.