Sa ilalim ng House Bill 5829, ibabalik ang GMRC at isama sa K-12 curriculum.
Ang GMRC ay i-introduce sa Kindergarten at ituturing na hiwalay na asignatura na ituturo mula Grade 1 hanggang 6.
Ituturo naman itong regular subject mula Grade 7 to 10.
Layunin ng panukala na manatili sa mga kabataang Filipino ang Etiquette at Moral Uprightness sa kabila ng pagiging moderno ng panahon.
Si House Speaker Alan Peter Cayetano na pangunahing may-akda ng GMRC Act of 2019 ay iginigiit ang pagbabalik ng core values at moral standards sa mga kabataan lalo’t lantad ang mga ito sa paggamit ng internet na nagiging source nila ng disinformation.
Nauna ng niratipikahan ng Senado ang kaparehong panukala.