Panukala para ibalik ang GMRC, niratipikahan na sa Kamara

By Erwin Aguilon March 05, 2020 - 03:06 PM

Niratipikahan na rin ng Kamara ang panukala para ibalik at isama sa asignatura ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng mga paaralan sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 5829, ibabalik ang GMRC at isama sa K-12 curriculum.

Ang GMRC ay i-introduce sa Kindergarten at ituturing na hiwalay na asignatura na ituturo mula Grade 1 hanggang 6.

Ituturo naman itong regular subject mula Grade 7 to 10.

Layunin ng panukala na manatili sa mga kabataang Filipino ang Etiquette at Moral Uprightness sa kabila ng pagiging moderno ng panahon.

Si House Speaker Alan Peter Cayetano na pangunahing may-akda ng GMRC Act of 2019 ay iginigiit ang pagbabalik ng core values at moral standards sa mga kabataan lalo’t lantad ang mga ito sa paggamit ng internet na nagiging source nila ng disinformation.

Nauna ng niratipikahan ng Senado ang kaparehong panukala.

TAGS: 18th congress, GMRC, GMRC sa K-12 curriculum, House Bill 5829, 18th congress, GMRC, GMRC sa K-12 curriculum, House Bill 5829

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.