PNP, may pakiusap sa netizens kaugnay sa chopper crash

By Jan Escosio March 05, 2020 - 02:37 PM

Nakikiusap ang Philippine National Police (PNP) sa mga netizen na tigilan na ang pag-post sa social media ng mga larawan ng mga nasaktan sakay ng helicopter na bumagsak sa City of San Pedro sa Laguna.

Sa ipinalabas na pahayag ni PNP acting spokesman Police Maj. Gen. Benigno Durana Jr., sinabi nito na tigilan na rin sana ang pagpapakalat ng haka-haka at maling impormasyon kaugnay sa insidente.

Nakikiusap na lang sila na samahan sila sa pagdarasal para sa mabilis na paggaling ng mga nasaktan sakay ng Bell 429 helicopter kasama na si PNP Chief Archie Gamboa.

Banggit ni Durana, ligtas na ang lahat ng mga sakay at magpapatuloy ang paggamot sa mga ito sa iba’t ibang ospital.

Kinumpirma sa pahayag na bumagsak ang helicopter nang sumabit ito sa kawad ng kuryente.

Kasabay nito, grounded na ang lahat ng rotary-wing aircraft ng pambansang pulisya bilang bahagi ng standard procedure sa tuwing may insidente at iniimbestigahan ang pangyayari.

Ayon kay Durana, ang PNP ay may Airbus H-125, Bell 429 at Robinson R-44 multi-role helicopters.

TAGS: chopper crash in Laguna, Maj. Gen. Benigno Durana Jr., PNP, chopper crash in Laguna, Maj. Gen. Benigno Durana Jr., PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.