DILG, PNP magsasagawa ng imbestigasyon sa chopper crash sa Laguna

By Angellic Jordan March 05, 2020 - 02:28 PM

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ukol sa pagbagsak ng sinasakyang chopper ni PNP chief General Archie Gamboa at pitong iba pa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na aalamin ng kanilang hanay kung ano ang sanhi ng aksidente para hindi na ito mangyari muli.

Sa ngayon, nakakordon aniya ang paligid kung saan nangyari ang aksidente para sa isasagawang imbestigasyon.

Binati naman ng kalihim ang mabilis na pagresponde ng PNP-Highway Patrol Group (HPG), Bureau of Fire Protection (BFP) at lokal na pulisya para mailigtas si Gamboa at iba pa.

Nagpasalamat din si Año sa ipinaparating na suporta at panalangin ng publiko para sa mabilis na paggaling nina Gamboa.

Patungo sana si Gamboa kasama sina P/Maj. Gen. Mariel Magaway, P/Maj. Gen. Jose Maria Ramos, P/Brig. Gen. Bernard Banac, P/Lt. Col. Zalatar, P/Lt. Col. Macawili, PSMS Estona, at PCapt. Gayrama sa Camp Vicente Lim sa San Pedro, Laguna para sa isang command visit.

TAGS: chopper crash, DILG, PNP, PNP chief Gen. Archie Gamboa, Sec. Eduardo Año, chopper crash, DILG, PNP, PNP chief Gen. Archie Gamboa, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.