WATCH: Pangulong Duterte tuloy pa rin ang pagsakay sa mga chopper

By Chona Yu March 05, 2020 - 02:11 PM

Fatalistic.

Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang kung magdadalawang isip na si Pangulong Rodrigo Duterte na sumakay ng chopper matapos bumagsak ang sinasakyang chopper ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa sa San Pedro, Laguna.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, tuloy pa rin ang pagsakay ng pangulo sa chopper.

Palagi naman aniyang sinasabi ni Pangulong Duterte na hindi siya takot na mamatay.

“You know naman si president eh. The president always says ‘if it’s my time, it’s my time’. Fatalistic eh,” ani Panelo.

Katunayan, makailang beses na ring sinabi ng pangulo na kapag oras na ng isang tao na mamamatay at mamamatay din ito.

Simula nang maupo sa pwesto noong 2016, palaging nakasakay ng chopper si Pangulong Duterte para dumalo sa mga public engagement.

Ayaw kasi ng pangulo na makaabala sa daloy ng trapiko dahil tiyak na ipatitigil aniya ang mga sasakyan kapag dadaan ang kanyang convoy.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na maaring bisitahin ni Pangulong Duterte si Gamboa na ngayon ay nakaratay sa ospital dahil sa mga tinamong sugat matapos bumagsak ang sinasakyang chopper.

Nagulat at nalungkot aniya ang Palasyo sa nangyaring aksidente.

Pero ayon kay Panelo, nagagalak naman ang Palasyo at ligtas si Gamboa at iba pang opisyal ng PNP na sakay ng bumagsak na chopper.

Narito ang buong ulat ni Chona Yu:

TAGS: chopper crash, Palasyo ng Malakanyang, PNP chief Archie Gamboa, Sec. Salvador Panelo, chopper crash, Palasyo ng Malakanyang, PNP chief Archie Gamboa, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.