Scale down ng mga OFW patungong Kuwait dahil sa COVID-19 kinumpirma ng DOLE

Inanunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maglalabas sya ng kautusan para sa scale down ng mga OFW sa Kuwait.

Sagot ito ni Bello sa sinasabing bagong requirements ng Kuwait para sa mga OFW na kailangang makapagpakita ng certificate na negatibo ito sa COVID-19.

Kabilang sa maaapektuhan sakaling ipatupad ito ng DOLE ay lahat ng manggagawang patungo sa Kuwait, Balik-Manggagawa man o bago hire at mula sa mga professional, skilled, semi-skilled at household service workers.

Pero nilinaw ni Bello na hindi naman ito masasabing pagganti dahil sa hakbang ng Kuwaiti Government

 

Read more...