Amyenda sa Anti-Money Laundering Law iginiit ng AMLC
Kasunod ng pagpasok sa bansa ng bilyong dolyar na cash hinikayat ng Anti-Money Laundering Council o AMLC ang Kongreso na kaagad ipasa ng panukalang batas na mag-aamyenda sa Anti-Money Laundering Act
Sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, sinabi ni AMLC Executive Director Atty. Mel Georgie Racela na ang kabiguan na maamyenfdahan ang AMLA ay maglalagay sa bansa sa grey-list jurisdication at maari ding maisama sa black-list ng Financial Action Task Force (FATF).
Sabi ni Racela, “If the AMLA amendements are not passed, the Philippines will be grey-listed. The FATF will come up with an action plan, which is required to be implemented within definite timelines. This will again include legislative amendments to address deficiencies”.
Kapag napasama ang bansa sa grey list, magkakaroon ng problema ang Pilipinas tulad na lamang ng pagtaas sa halaga ng transaksyon sa mga foreign financial insitution tulad ng borrowing rates at transaction fees.
Magpapabagal din ang grey listing sa international trade kung saan bababa ang halaga ng remittance ng mga OFW sa kanilang pamilya habang taaas naman ang cost ng business gayundin ang production cost.
Sabi ng AMLC, kabilang sa mga kailangang isama sa amyenda ang tax crimes gayundin ang proliferation financing sa ilalim AMLA.
Bukod dito, sinabi ni Racela na hindi rin kasama sa kasalukuyang batas ang real estate anti-money laundering at counter-terrorism defiencies.
Bilang investigative body wala ayon sa opisyal na sapat na kapangyarihan ang AMLC.
Dahil dito, kailangan ayon kay Racela na magkaroon ng mandato ang ahensya na mag-preserve assets na nasa ilalim ng mga freeze orders o asset preservation order o kaya naman ay kapangyarihan upang magpanatili ng forfeited assets.
Sa kasalukuyang batas walang pagbabawal sa injunction order laban sa freeze at forfeiture power ng AMLC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.