Ayon kay Hontiveros ilan pa sa mga puganteng Chinese nationals ay nagpapakilala pang mga Filipino sa pamamagitan ng pekeng birth certificates at passports na kasama sa ‘package’ na iniaalok ng mga tour operators na kasabwat naman ng mga tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration.
Dagdag pa ni Hontiveros sa pamamagitan ng ‘pastillas modus’ nakakapasok sa bansa ang mga pugante mula sa China.
Nabanggit ng senadora sa pinakamababang halaga na P10,000 ay makakapasok at makakapagtago na sa Pilipinas ang mga puganteng Chinese nationals.
Diin ni Hontiveros dapat ay hanapin ang mga banyagang pugante at agarang ibalik sa kani-kanilang bansa.