“POGO criminals” ipinatutugis ni Sen. Risa Hontiveros

By Jan Escosio March 05, 2020 - 12:45 PM

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa gobyerno na hanapin ang lahat ng mga banyagang pugante na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng yumayabong na Philippine Offshore Gaming Operations o POGOs sa bansa.

Ayon kay Hontiveros ilan pa sa mga puganteng Chinese nationals ay nagpapakilala pang mga Filipino sa pamamagitan ng pekeng birth certificates at passports na kasama sa ‘package’ na iniaalok ng mga tour operators na kasabwat naman ng mga tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration.

Dagdag pa ni Hontiveros sa pamamagitan ng ‘pastillas modus’ nakakapasok sa bansa ang mga pugante mula sa China.

Nabanggit ng senadora sa pinakamababang halaga na P10,000 ay makakapasok at makakapagtago na sa Pilipinas ang mga puganteng Chinese nationals.

Diin ni Hontiveros dapat ay hanapin ang mga banyagang pugante at agarang ibalik sa kani-kanilang bansa.

TAGS: Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Philippine offshore gaming operations, POGOs, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Philippine offshore gaming operations, POGOs, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.