Papatalsik kay Rep. Ungab bilang chairman ng House Committee on Appropriations insulto kay Pangulong Duterte ayon kay Mayor Sara Duterte

By Erwin Aguilon March 05, 2020 - 12:34 PM

Tinawag na insulto kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagpapatalsik ng Kamara kay Davao City Rep. Isidro Ungab biang chairman ng Committee on Appropriations.

Ayon sa statement mula sa tanggapan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte, pag-atake sa pangulo ang aksyon ng liderato ng Mababang Kapulungan at hindi sa Hugpong ng Pagbabago na pinamumunuan nito.

Sabi ng HNP, ” If anything, the removal was an insult and affront to the President — and not the party”.

Nilinaw rin ng HNP na wala sa kanilang naunang statement na ang pagkakatanggal kay Ungab ay pag-atake sa kanilang partido.

Paliwanag ng HNP si Ungab ay personal na pinili ng pangulo bilang chairman nfg komite at sa kanilang impormasyon ay walang atas si Pangulong Duterte na alisin si Ungab,

“He was specifically chosen by President Duterte as chairman of the committee and the last time we checked, the President never ordered the removal of Ungab,” dagdag ng HNP.

Nanindigan din ang partido ng presidential daughter sa kanilang suporta sa kredibilidad at karangalan n i Ungab.

Iginiit din ng mga ito na loyal sila sa kung sino ang tapat sa pangulo.

Dagdag pa nila, “We are loyal to those who are loyal to the President.”

Sa huli sabi ng partido ni Mayor Inday Sara na ayaw nilang makipagtalo sa tinawag nilang Cayetano bagkus ay manonood na lamang sila ng “palabas.”

Giit ng grupo, “HNP does not want to spar with Cayetano. We want to sit and watch his show.”

TAGS: HNP, hugpong ng pagbabago, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, rep ungab, Sara Duterte, Tagalog breaking news, tagalog news website, HNP, hugpong ng pagbabago, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, rep ungab, Sara Duterte, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.