Dalawang heneral na sakay ng bumagsak na chopper sa Laguna kritikal ang kondisyon – PNP
Kritikal ang kondisyon ng dalawang high-ranking police generals na kasama sa sakay ng bumagsak na helicopter sa San Pedro, Laguna.
Kinumpirma sa INQUIRER.net ni Lt. Gen. Camilo Cascolan, PNP deputy director for administration, na unconscious pa rin sina Maj. Gen. Mariel Magaway, PNP Director for Intelligence, at Maj. Gen. Jose Maria Ramos, Director for Comptrollership.
Kapwa unang dinala sa Unihealth Medical Center sa San Pedro City sa Laguna sina Ramos at Magaway.
Pero si Magaway ay nailipat na sa ospital sa Metro Manila.
Samanala, sa press conference sa BGC sa Taguig City, kinumpirma rin ni Maj. Gen. Benigno Durana na kritikal pa ang kondisyon ng dalawang heneral.
Sina Gamboa naman, Brig. Gen. Bernard Banac, ang dalawang piloto at isang crew ng chopper ay stable na ang kondisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.