Incoming college students maari nang mag-apply para sa scholarship grant ng CHED

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2020 - 10:27 AM

Maari nang magsumite ng aplikasyon ang mga estudyante sa kolehiyo na nais makakuha ng pinansyal na tulong mula sa Commission on Higher Education (CHED) sa school year 2020-2021.

Ito ay sa ilalim ng scholarship program ng CHED kung saan mayroong 2,467 slots ang available para sa mga incoming college students na ang general average ay 90 percent pataas.

Kabilang din sa requirement para makapag-apply sa scholarship grant ay dapat Filipino citizen, at ang pinagsamang annual gross income ng magulang ay hindi lalagpas sa P400,000.

Para makapag-apply, maaring bisitahin ang website ng CHED.

Ang online application ay hanggang sa May 31, 2020.

Bawat scholar na mapagkakalooban ng cash grant ay mabibigyan ng P20,000 hanggang P60,000 kada academic year.

TAGS: CHED, Commission on Higher Education, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, scholarship grant, sy 2020-2021, Tagalog breaking news, tagalog news website, CHED, Commission on Higher Education, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, scholarship grant, sy 2020-2021, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.