Bagong Comelec rules sa electioneering, binatikos ng tagapagsalita ni PNoy
Gamit ang kaniyang official Facebook account, naglabas ng pagkadismaya sa Commission on Elections (Comelec) si Deputy Presidential spokesperson Usec. Abigail Valte.
Tinukoy ni Valte sa kaniyang FB post ang nakasaad sa bagong Implementing Rules and Regulations ng Comelec kung saan sa ilalim ng Section 4 (e) ng IRR sinasabing maari nang ituring na electioneering ang paghahayag ng personal na opinyon, view at preference ng isang government official para sa sinumang kandidato.
“The act of government officials (Executive, Legislative, Judiciary, Constitutional Commissions, members of the Civil Service, expressing their personal opinion, view and preference for candidates on social media is now considered electioneering,” ayon sa Sec. 4 (e) ng Comelec IRR.
Sinabi ni Valte na dahil sa nasabing Comelec rules, simula sa February 9, siya at iba pang nasa gobyerno ay hindi na pwedeng maglahad ng kani-kanilang mga personal na opinyon hinggil sa isang kandidato gamit ang kanilang mga social media account.
Paliwanag ni Valte, kung siya ay magpo-post sa FB o magti-tweet na ang isang kandidato ay arogante, maari na siyang makasuhan ng election offense.
Ani Valte ang ruling na ito ng Comelec ay mistulang pagpapataw ng ‘censorship’ sa lahat ng public servants. Tanong pa ni Valte, ‘bumalik na baa ng Matialw law?’, “Ang labas, censorship on all public servants. Effective prior restraint. Freedom of speech, anyone? Kelan pa bumalik ang Martial Law? Di ba 2016 na?,” nakasaad sa FB post ni Valte.
Ayon kay Valte ang nasabing Comelec rules ay taliwas sa isinasaad ng Section 55 ng Administrative Code kung saan sinasabing hindi binabawalan ang sinomang opisyal o empleyado ng gobyerno na ihayag ang kaniyang opinyon sa political problems o issues, maging ang pagbanggit ng pangalan ng kandidating kaniyang sinusuportahan.
Sinabi ni Valte na sa ilalim ng Saligang Batas, maari lamang ipataw ang censorship kung mayroong “clear and present danger of a substantive evil to public safety, public morals, public health or any other legitimate public interest.”
Kung halimbawa ayon kay Valte ay mag-post siya na “Hindi niya gusto si candidate XY dahil may alaga siyang mga baboy na nasa air conditioned pen”, maari na ba aniya itong maituring na present danger to public safety, public morals, o public health?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.